跳至内容的开始

> Nilalaman sa Iba pang mga Wika

border image

Tagalog

border image
Content here

Ang Tagalog na bersyon ng website ng Constitutional and Mainland Affairs Bureau (CMAB) ay naglalaman lamang ng mga piling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maaari mong ma-access ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Traditional Chinese o Simplified Chinese.

Maligayang pagdating sa website ng Constitutional and Mainland Affairs Bureau (CMAB). Ang Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) ay itinatag noong 1 Hulyo, 1997 alinsunod sa Konstitusyon ng People's Republic of China. Ang Batayang Batas ay nagkabisa sa parehong araw, at nagbibigay ng batayan sa konstitusyon para sa mga sistemang ginagawa sa Hong Kong.

Responsable ang CMAB sa pangangasiwa sa buo at tapat na pagpapatupad ng Batayang Batas. Binubuo at pinapanatili namin ang isang konstruktibo na ugnayan sa paggawa sa pagitan ng Pamahalaan ng HKSAR at ng Central People's Government pati na rin ng iba pang awtoridad sa Mainland alinsunod sa mga prinsipyo ng "one country, two systems", "mga mamamayan ng Hong Kong na nangangasiwa sa Hong Kong" at isang mataas na antas ng awtonomiya.

Ang gawain ng CMAB ay karaniwang nahahati sa tatlong lugar, ibig sabihin, (a) pag-uugnay at pagtataguyod ng mas malapit na ugnayan sa Mainland; (b) paghawak sa mga bagay na may kaugnayan sa konstitusyon at halalan at pagpapanatili ng malapit na pakikipag-ugnayan sa Electoral Affairs Commission upang matiyak na ang mga pampublikong halalan ay isinasagawa sa isang patas, bukas at tapat na paraan; at (c) pagtataguyod ng pag-aalis ng diskriminasyon, pantay na pagkakataon at proteksyon ng privacy.

Sa iba pa, ang mga sumusunod na paksang isyu ay susi sa gawain ng CMAB. Paki-click ang “+” para sa mga detalye.

*Ang mga nilalaman ay available lang sa Ingles, Traditional Chinese at Simplified Chinese.

页首
WCAG 2.0 AAValid HTML 4.01